Wednesday, December 9, 2009

Everyone wants to be a public figure.


Pansin mo? Lahat gustong sumikat. Lahat gustong mapansin.
Nature na yata ng tao maging tsismoso, mamboso sa buhay ng may buhay at makialam sa mga problema ng kapitbahay.

Bakit nauso ang mga GM (group messages) sa text, ang mga blogs, ang twitter, ang mga heart-to-heart programs sa radyo, ang iba't ibang video streaming sites at social networking sites at syempre, ang mga nagkalat na reality shows sa telebisyon? Mula sa pinakamahahalagang balita hanggang sa mga pinakawalang-kwentang tsismis tipong kelangan i-broadcast sa mundo. Ikaw nga oh, nagbabasa nito. :D

At eto, hindi ba napaka-lame na excuse ang isigaw sa mundo na nagpapakatotoo ka lang kapag may kumekwestiyon sa mga kilos at sinasabi mo? Eh ibroadcast mo ba naman sa buong mundo, tapos hindi ka tatanggap ng opinyon ng ibang tao. Hindi ba pwedeng kung may opinyon ka, may opinyon din ang ibang tao? Wala namang nagsabing bawal kumontra 'di ba? Oh, kontra na, dali. :D

Siguro nga may mga tao talagang hilig ang magsulat at ibahagi 'yung mga sinusulat nila. Kung sabagay, marami din naman pwede matutunan sa ibang mga nababasa natin. Sa iba, hindi sa lahat. Sabi nga, Listen and read, but don't believe everything. Totoo nga naman, wala naman masama kung magbasa ka ng magbasa e.

Sa mundong ang daming pinapatay at nagugutom, hindi pa din naaawat ang mga tao sa pagttweet, pagbblog at pakikiusyoso sa buhay ng may buhay. Malaking kakulangan ba kapag hindi nalaman ng buong mundo ang ginagawa mo?

Oh, wala na. napansin ko lang naman. May narinig na naman kasi akong "public figure"  na nagsabing "I want to keep it private." Pwede ba, maglolokohan pa ba tayo? ang mga taong nagsasabi nang linyang yan, ang gusto talaga, mapag-usapan. Kasi kung hindi, hindi mo sila maririnig magsalita.

Thursday, November 19, 2009

"Immoral". Tell me about it.



So I've heard about Comelec tagging the "Ang Ladlad" party list immoral.
Im not particular with the details but from what I heard, the petition of the third sex party list was denied on the grounds of immorality and how it can affect the youth and their views in life the moment the party list's petition are granted.

Now, look who's talking.
Come on, face it. The country's Commission on Elections are not exactly the best people to talk about immorality here- with the corruption, incompetency and whatnots happening, even months before the election, who are they to point fingers?

It's funny hearing them talk about immorality, pointing fingers and getting all holy.

It's immoral if you have a different gender preference, but not if you can't do your job well- considering it is the elections you are handling. No big deal eh?

It's not immoral if your asking for a bigger budget and you can't get your job done when your countrymen are suffering from hunger and the loss from the past typhoons.

It's not immoral to be disrespectful of somebody else's preference and deprive them of their rights, just because.

It's not immoral if you you have a hundred registered voters in Taguig all having the same birthdates and all are aged 100. Yeah, shrug it off, it can be one of those simple technical errors. Effing system. Wala pang eleksyon, nagsisimula na ang dayaan.

To the highly respectful chair of the commission, and to everyone else working for the office. Please, get a grip and do your effing job. Don't start pointing fingers.

Kasi sa totoo lang, kung magtuturuan lang din tayo at magbabatuhan ng pintas at kapalpakan, pustahan, hindi na kayo aabot ng eleksyon.

Amen! and now let's pass the collection/corruption basket!

**********************

Check the article at:
 


Tuesday, November 10, 2009

An iron fist with a velvet glove.


How much different Obama and his team are from the past administration?

Alex Jones' Fall of the Republic "reveals the architecture of the New World Order and what the power elite have in store for humanity. More importantly it communicates how We The People can retake control of our government, turn the criminal tide and bring the tyrants to justice."

here's the link.


Saturday, November 7, 2009

Of bad hosting skills and Change.


So think me rude.

His show's noisy, okay, too noisy for a noontime show. I can barely understand him when he does his hosting. I think he's a big fake. I don't know if it's just me and my sister who gets annoyed with his offensive remarks and his habit of making fun out of his audiences. At hindi ko maintindihan kung anong buti ang magagawa ng pagdedesign ng relo para sa ikagiginhawa ng mga naghihirap.

I know he and his show helps a lot of people. But I just don't believe him. I have always had this feeling that he and those that stick to his side are just taking advantage of the increasing number of Filipinos in need. Mean, if you can't manage to eat a decent meal thrice a day, it's very likely to see him as the hero. Okay, his efforts (sincere or not) be acknowledged. But I just don't believe him. Ask me what's worse, the increasing level of poverty or the decreasing level of moral fiber of the able and fortunate who chooses to take advantage of the poor's need. Hindi ko alam kung may direct relation ang dami ng audience ng wowowee na kulang na lang magmalimos kakasayaw on national television at ang pagdami ng endorsement ng host nila. Okay, so wala akong pakialam kung gaano kalaki ang sinasahod niya. Hindi rin ako sigurado kung totoo 'yung issue na hindi siya nakakabayad ng taxes niya. Pero naman, people see him on TV everyday. make good of the opportunity given to him. It's one thing that poverty is everywhere, it's another thing to take advantage of that situation.

This isn't about his him. It's about attitude, as it has always been. Im not a perfect citizen myself. Even with the hope of change for my fellow citizens and the whole country, pessimism gets into me sometimes. With the daily dose of never-ending tales of corruption that seem to numb our people , its easy to understand the reason why a lot of people choose to live on a day to day basis and not care about what the future has in store for their sons and daughters and the whole country.

Oo nga naman, imbis na isipin natin kung anong mangyayari sa bansa at sa susunod na henerasyon, isipin muna natin kung saan tayo kukuha ng pangkain sa hapunan at pangalmusal kinabukasan. Kung idadahilan ng mga politikong 'yan na kaya lang nila ginagawa ang mga yan dahil patuloy na may tumatanggap ng abuloy nila, sana naiisip nila na kung wala ka ng makakain at may magbibigay sayo ng tulong, tatanggihan mo ba? Pero sana wag nilang ipakain sa mga tao ang mga prinsipyo ng mga taong tinulungan nila kasama ng abuloy nila sa pagpapamukha ng mga ibinigay nila. 

Eto na naman oh, palapit na naman ang eleksyon. Nagkalat na naman ang mga television commercials at kung ano-anong advertisements kung saan-saan. Nagsisimula na mag-ikot ang mga politiko para "tumulong" dahil, aminin natin, kailangan na nila ng tulong natin. Tigilan na 'yung paggamit sa mga kapwa natin mahihirap para magpabango sa publiko. Save us some dignity. Leaving a little for yourself won't hurt too. Put your money into good use, and by good use, I don't mean loads of advertisements more bragging about your empty achievements.

Okay, so let's not leave all the work to those in position. All of us have to do our part. Put our votes into good use. Jim Paredes said that this has to be "the election". It's high time we go after what we really really want. Change of people, of their mindset and attitude and of lifestyle. Hope has become a strange word and idea for most of the people. I beleive that If this election passes and things stay the same, I have no idea what else there is left to convince and move our people- if in that case, that is still possible.

I end this with parts of my sister's speech when she was running for student office last election. Admittedly cheesy but true. "Eleksyon na naman, Ligawan na naman. Sino ba 'yung pipiliin natin? 'Yung kailangan tayo dahil mahal tayo? O yung mahal lang tayo dahil kailangan tayo?".

Enough with the rants. Let's all put our votes into good use.

Sunday, October 25, 2009

scrape the sides.

Ang saklap. Wala talagang natira sa lahat ng mga files ko. Peste.
Ilang araw na ngang hindi makapag-intenet, nasaid pa lahat ng laman ng laptop ko. bongga.
Ang buwisit na virus ang salarin. Saklap.
Ba-bye sa three years worth of pictures, creations, important documents at mga kanta.
Nakakaiyak. :'(

Monday, October 12, 2009

teka lang. teka lang sabi e.




Ang bilis. ang bilis bilis.
Para akong tumatawid at masasagasaan ng hindi ko namamalayan. Ayan na. nabangga, tumilapon, humampas sa gutter pero gising pa din ako. Nakakamanhid sa sobrang sakit. Literal na walang maramdaman. Pakisampal ako. 'yung malakas na malakas. Malay mo, pagkatapos matanggap ko na.

Sabi sa medical dictionary ng merriam-webster.com, denial is "a psychological defense mechanism in which confrontation with a personal problem or with reality is avoided by denying the existence of a problem or reality." Tipong ayan na sa harap mo, ayaw mo pang tanggapin. E bakit ba? mahirap e. teka, hindi kita inaaway. kausap ko na naman ang sarili ko.

Ilang araw na rin. Sa totoo lang, hindi ko iniisip. Alam kong totoong nangyari at wala naman akong kontrol sa mga ganung bagay. Kung meron lang e, 'di sana wala kang binabasa ngayon. Alam ko din na kelangan ko rin tanggapin. Dahil aminin ko man o hindi, wala na e. Minsan na din ako nagpayo sa isang kaibigan, nanggaling na rin sa bibig ko lahat ng mga payong naririnig ko ngayon.

Pero.

Mas madaling magalit. Mas madaling kumilos na parang walang nangyari. 'di ba? Para kunwari joke lang. Yaan mo, yaan niyo, magiging okay din naman ako e. Wala lang pilitan. Si tatay 'yun e. T_T 

Friday, September 25, 2009

Get well soon, Tatay. :'(

I miss you. and Nanay.
I miss your lambings. kapag nagpapabunot ka ng balbas mo o nagpapagupit ng kuko sa kamay at paa. When I was young that was your way of making me go to sleep in the afternoons of summer.

I fell in love with coffee because I was amazed of how you match it with almost everything you eat. You taught me how to eat with my hands and eat whatever I want because "kung mahal ka talaga ng boyfriend mo, kahit tumaba ka, mahal ka pa din niya. " What a man.

I remember your stories. Of how you cried while having dinner after Mama and Papa took me away from you after a year when I was just a baby. Yours and Nanay's were the first pairs of hands to nurture, cuddle with and take care of me.

You would always find a way to make me laugh, even when I refuse to. I've always felt I was the favorite apo because you and Nanay have your ways of making me feel I am.

I wish I can take care of you now. Kagaya 'nung pag-aalaga mo kapag may sakit ako. O kapag nasusugatan ako tapos gagamutin mo. sabay tatakutin mo ko na may lalabas na pari at jeep sa sugat ko. :')

Kelangan mo gumaling eh. Madami pa tayong pagkkwentuhan. You promised you'll walk me down the aisle remember? At sabi mo din tatakutin mo pa 'yung mapapangasawa ko. Stay strong Tatay.

I will see you soon. At pagagalitan mo pa ako dahil naging matigas na naman ang ulo ko. Okay lang, I'd have anything from you ang Nanay.

I love you Tatay and Nanay.:')
Please, wake up. T_T



















Tuesday, September 8, 2009

What killed the cat? hmm.

Was it really curiosity that killed the cat?
I wonder.

I bleed BLUE. :D

Kung may sasabihin ka at ito nama'y may katuturan,
Bakit ka mananahimik at sasabay sa agos na idinidikta ng mga nanamantala?

Friday, September 4, 2009

Saan nga ba nagsisimula ang lahat?

Naiinis ako. Inis na inis. Alam mo kung bakit? teka lang ikkwento ko.
Kanina habang nagttrabaho ako, binisita ako ng isa sa mga suki ng coffee shop na pinagttrabahuhan ko. Matanda na siya, lalaki, mabait at palangiti. Pero hindi ko alam kung bakit sa ilang buwan kong pagttrabaho sa coffee shop na 'yun, kanina lang niya naitanong kung saang bansa ako galing. Pagkasabi kong Filipina ako, aba ang loko, minura ako habang nakangiti. 'Yung ngiti na sincere habang sinasabing "p*tang *na mo" na parang ingat na ingat pa siya. Kaya nagtaka ako at ipinaulit ko sa kanya. Hindi nga ako nagkamali ng rinig, minura nga niya ako.
****************
Customer: So you're from the Philippines
Ako: Yes, I am.
C: P*tang*na mo..(smile)
A: (blanko)
C: ... (smile pa din)
A: Did I hear you right?
C: Yeah, P*tang*na mo. That's what I said.
A: ...
C: Aren't you supposed to greet me back?
A: Greet? That wasn't even a greeting. That was..rude.
C: Oh, sorry. A Filipino taught me that. I didn't know.
A: That was...rude.
C: Sorry again.
A: (gulat pa din ako)
**********************
Hindi ko alam kung sinong mas napahiya saming dalawa pagkatapos ng conversation na 'yun. Hanggang ngayon habang naiisip ko nanggigil pa rin ako. Bakit naman sa lahat ng salitang Filipinong maiituturo sa kanya ng magaling na Pilipinong 'yun, yun pa ang ituturo sa kanya. Ang dami namang naiimbentong salita araw-araw, bakit hindi man lang 'yung maayos na salita ang ituro. Ang sarap palakpakan ng Pilipinong 'yun tapos babarilin sa Luneta. Oo, ganun ako kainis.
Kung sino man 'yung Pilipino na 'yun, kung akala mo nakaisa ka dahil may nabiktima ka at biro lang sayo 'yung ginawa mo, I have news for you. And I quote Jessica Zafra. "That was so funny I forgot to laugh."
Nga pala, p*tang*na mo din.

The band says let it be.

Immaturity at its best...and the world stops.

Tuesday, August 25, 2009

Psst! Oo, Ikaw nga!



http://www.youtube.com/user/JuanaChange#play/uploads
check this site. dali.:) that's an order. :p
(or if the link doesn't work, look for Juana Change in youtube)
You know what the world says about how Filipinos manage to laugh at their problems? Well, this group of people called Convergence decided to put that in good use. Uber funny videos that rather slap you in the face with what the future has in store for us unless we speak up and move. I know, I know. Mahirap talaga maniwalang posible pang may mabago. Sabi nga ni Juana Change (see the videos and you'll meet her.:D), panahon pa daw ni Rizal ang drama nating ito. Pero unless we start believing that IT is possible- and feasible at that- eh wala talagang mangyayari. So ayun, nagpopromote ako. Watch the videos. here's hoping this will give you a jumpstart. Padayon!

Monday, August 17, 2009

Happy?


Happiness is a choice. I know.
It's about being contented with what you have and making the best out of it.
Self-disposition, the half-full-half-empty thing about life and seeing things in a different perspective.
I could rant you about all the philosophy and therapy I have heard, read and tried all day. But I won't because I'll just exhaust myself. I'm sure you know what I mean.

I'm not happy. I can't even remember when was the last time I laughed, mean, genuinely laughed- with tears, bogus and all. Gahd. I miss laughing my heart out. See that picture? That's me trying to smile, looking happy and well, failing. I look rather tired, if you ask.

I'm a zombie, dragging myself every day to work. exhausting myself with chores, talking to myself while moving- half the time absent-mindedly. I'm a freak. haha. I'm starting to scare you.

So, the point being? nada. I'm just blabbing. I've probably wasted your time. It's just that, Argh. I miss my life. doomsday.





Saturday, August 8, 2009

bullshit proof vest. anyone?

Of course, there isn't one. But what if? Wouldn't it be great to have one? the kind of vest that would prevent you from succumbing to all the crap you could possibly encounter or indulge with?

from stupid remarks to lies and rants that will do nothing but to make you believe in something that's not worth your trust and faith. mean, sana ganun kadali no? tipong may censor. 'yung pag binobola ka lang ng kausap mo or pinapaikot, may warning. tipong magbibeep bigla. That would be freaking amazing.

-Imagine putting that on while watching the load of tv commercials politicians have been wasting their money on these days. there's no doubt how endless the beeps would be. Pustahan ung vest pa 'yung susuko. haha.:) Nako. mageeleksyon na no? May makagawa sana nitong vest na to. agad. haha.

-Singles that are in the dating scene will also find this vest helpful. haha. I sound like a promo. Pero galing siguro nun. Bobolahin/peperahan ka pa lang ng kausap mo, nasampal mo na. Or well, in the case of the male species, isseduce/ppikutin ka pa lang ng babae, nakatakbo ka na. galing diba? Well at least mababawasan ang mga napapaikot ng kung sino-sino.

-O kaya naman 'yung mga nasa relationship na. No room for excuses. haha. saya.:p Hindi makakalusot ang mga magagaling umistyle. winner.:)

Oh well. if ever you bump into someone who has an idea how to create such vest, inform me. and in case you're asking why the need, i'll get into that later.

out.

Monday, July 27, 2009

tired.rant.blah.

I'm just burned out.
from everything. Pakiramdam ko babagsak na lang ako bigla.
Parang ansarap matulog. 'yung matagal na tulog. 'yung mahimbing na mahimbing.
'yung pagkagising ko okay na ulit lahat. tapos mare-realize ko panaginip lang lahat ng nagyari. ansaya siguro nun.

Hindi ko rin alam kung ano nangyari e. 'yung andami dami mong iniisip. 'yung nappraning ka kung pano matutuloy 'yung pinlano niyo. tapos magtatanong ka ng maayos sabay ang isasagot sayo, "gusto ko lang." parang wala lang, gusto niya e. pag umayaw ka naman, dadalhin mo pa sa konsensya mo di ba. haay. ewan ko ba.

naguguluhan ka sa nabasa mo? wag kang mag-alala, magulo din utak ng sumulat nito. normal ka pa rin. hindi ka nagiimagine ng kung ano-ano. kung hindi mo man masundan kung bakit ako may sinulat na ganito, wag mo nang isipin. problema ko na yun, tama nang pinansin mo to. sintomas ng walang makausap ng matino at mapaghingahan ng sama ng loob. pasensya.

o siya. inaantok na ko. sana paggising ko okay na lahat. T_T

Friday, July 24, 2009

taking chances. (old post)



What do you say in taking chances?

Like going for something NEW to you, something you’re uncertain of. And I’m not talking about love here . Enough of the “single”-hood and bitterness blah. I mean, LIFE in general.

What is it in going beyond our borders that most of us fear?


More often than not we become uber chicken to indulge ourselves to try and discover new things. May it be trying a dish, self or room make-overs, accepting a responsibility or signing up for a fitness plan you’ve always wanted to join . Because we’re too busy minding everyone around us and we’re too afraid of our greatness.



We get afraid of how our parents and friends will take it. We take too much caution with their would-be reactions while neglecting ourselves to grow. Okay, it’s always good to think about how people will take you.

But BEING and DOING EVERYTHING according to what (you think) people around you like won’t make you any happier. It is your life, live it. It’s not about being selfish, it’s about loving yourself first- Cliché but true.

We are afraid of our own greatness- seriously.

Most of the time, we deprive ourselves of getting outside our comfort zones because we think, our lives are good as it is. We fear of “up-sizing” our efforts and broadening our dreams. Because, we might get hurt, disappointed or rejected in the end. Our why-bother mentality holds us back most of the time because it’s always good to stay safe than take risks.

The what-ifs scare the hell out of us and we step back, say NO to challenges and play safe that we grow old not finding out what might have been if we only TRIED.

Don’t get me wrong. I get afraid. In fact, I fear responsibilities because I hate failure. And I’m not a fan of sudden change. I panic and breakdown whenever things go out of my way and how I planned it.

And you’re probably starting to think if I’m making sense when I am all of those. Let me tell you why. Last night before going to bed, while in the middle of weighing things and mentally arguing with myself whether to take chances or not, someone called me a QUITTER . And while I’ve called myself chicken a few times before, hearing that 7 letter word sucks big-time. I felt more than slapped. It shook the hell out of me.

I don’t want to be tagged as a quitter (who would?). Not because other people might believe it (say pleaser?) but because I realized I am not. And although most of the time I try over thinking things ahead, I realized that I can never predict what’s going to happen and the best thing to do is to stop figuring out where I’m going and enjoy where I’m at. Whatever life has in store for me, I am not BACKING OUT.

Live life as they put it. Breathe each breath, I say.

Jumping into the UNDISCOVERED may either cause you success or failure.

But you’ll never know where you’re going to fall unless you give it a shot.



FLO's flaws. haha. :)

Sa loob ng isang dekada, patuloy na ipinaglalaban ng Bukluran ang mga repormang nagsusulong ng kagalingan ng mga estudyante sa ating Pamantasan. Pinatutunayan lamang nito na ang Bukluran ay isang organisasyon na binubuo ng mga estudyante para sa mga kapwa nito estudyante. Kaya naman ang pagkakasangkot ng Bukluran sa proyektong “Freshmen League of Officers” ng kasalukuyang Supreme Student Council ay marapat lamang na mabigyan ng linaw. Nais po naming sabihin na ang liderato ng Bukluran, sampu ng aming mga miyembro, ay HINDI TUMUTUTOL SA MGA PROYEKTO AT PROGRAMA NA NAGLALAYONG PAUNLARIN ANG KAGALINGAN NG MGA ESTUDYANTE. SUBALIT ANG MGA PROYEKTO’T PROGRAMA NA HINDI DUMAAN SA TAMANG PROSESO AY DAPAT LAMANG NATING KONDENAHIN, isang halimbawa na ang Freshmen League of Officers (FLO). Malaya ang ating SSC na maglunsad ng mga programa o proyekto na makatutulong o makabubuti sa estudyante. Ngunit paano natin tatanggkalikin ang mga ito kung hindi naman ito dumaan sa tamang tao at proseso.

Sa pagkakataguyod ng FLO, may mga ilang punto na tila hindi nakita o kung nakita man, ay naisantabi. Ano nga ba ang naging basehan sa pagtataguyod ng proyektong ito? Paano nga ba nasabing na walang pagkakaisa ang ating mga freshmen? Alam nating lahat na hindi tulad ng mga nagdaang taon, ang mga freshmen ay mayroon nang sari-sariling kolehiyong kinabibilangan. Ang bawat kolehiyo sa loob ng ating Pamantasan ay mayroong mga dekana, college student councils at iba’t ibang societies na may layuning paunlarin ang kagalingan ng kanilang mga estudyante. Bukod pa rito ay mayroong iba’t ibang organisasyon sa labas ng kanilang kolehiyo na naglalayong paunlarin ang kanilang mga sarili sa iba’t ibang aspeto tulad ng musika at sayaw, paglikha, sining at maging sa pamumuno. Isa pa sa mga punto na nais naming bigyang-pansin ay kung bakit pawang mga presidente ng mga pangkat ng mga magaaral sa unang taon lamang ang naimbitahan sa mga pulong. Naihalal ang mga opisyal ng FLO at bawat pagpupulong nila ay MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG PAGDALO NG IBA PANG ESTUDYANTE BUKOD SA MGA PRESIDENTE NG BAWAT PANGKAT. Paano natin mapapalakas ang LAHAT NG ESTUDYANTE sa ganitong pamamaraan?

Isa sa mga mahahalagang katanungan ay kung saan manggagaling ang pondo ng FLO. Nakasaad sa “rationale” ng nasabing proyekto na ang pondo ay magmumula sa “SSC subsidies, solicitations, at fund-raising activities”. Ngunit naisaad sa isa sa mga pagpupulong ng SSC na hindi sa kanila manggagaling ang pondo. Ano nga ba ang totoo? Ang fund-raising activity ay nangangahulugan na sa estudyante rin manggagaling ang pondong gagamitin. Bukod sa mga bayarin natin tulad ng SSC fee, College fee, Society fee ay dadagdag pa itong sa FLO! Naisaad din sa “rationale” na ang FLO ay “autonomous” o nakahiwalay mula sa SSC at sa mga College Student Councils. Ito ay lilikha ng kalituhan sa mga estudyante sa kung sino ang kanilang susundin- ang FLO ba o ang konseho ng kanilang kolehiyo? Hindi rin ito makakatulong dahil magkakaroon ng pagitan ang mga freshmen at mga estudyante sa mas mataas na antas.

Ang huling dahilan kung bakit natin kinokondena ang FLO ay ang paglabag nila sa Konstitusyon ng Kataas-taasang Konseho ng Mag-aaral at ang pagsasantabi sa mga Dekano ng mga kolehiyo. Tila hindi binigyang halaga ng SSC ang basbas ng mga Dekano nang maitatag ang FLO at binaliwala ang saklaw ng pamumuno ng mga konseho ng bawat kolehiyo (college student councils) dahil sa hindi nito pagsasabi sa kanila ng lahat ng nangyayari at napaguusapan ukol sa FLO. Isinantabi rin ng SSC ang kapangyarihan at karapatan ng mga kinatawan ng kolehiyo (college representatives) sa hindi pagiimbita sa kanila sa mga pulong na may kinalaman sa kolehiyo. Ang dalawang nabanggit ay malinaw na paglabag sa konstitusyon ng kataas-taasang konseho ng mag-aaral. Ang ginawang proseso ng pagkakatatag ng FLO ay isang malinaw na pag “by-pass” sa kapangyarihan at karapatan ng mga dekano at konseho ng bawat kolehiyo.

Ang mga pagkondena ng BUKLURAN sa isyung ito ay hindi nangangahulugang tutol ito sa mga programa at proyekto na magsusulong ng ikauunlad ng mga estudyante. Ang gustong bigyang pansin ng Bukluran ay ang mga iregularidad na nangyari sa proseso ng pagkakatatag ng FLO at ang mga seryosong implikasyon nito sa ating mga kolehiyo lalong-lalo na sa ating mga estudyante.

Patuloy na ipaglalaban ng BUKLURAN ang mga karapatan ng mga estudyante ng Pamantasan at patuloy kaming MAG-IINGAY AT KIKILOS hangga’t may mga karapatang natatapakan dahil TAYO AY MGA ESTUDYANTE AT HINDI ESTUDYANTE LAMANG!

Padayon!

Sunday, July 19, 2009

Ang INGAY ng BUKLURAN.

People say they exist not to make noise but to make sense.
I say it is in the noise we make that WE MAKE SENSE.:)
Apparently, they categorize our voices as noise because well, they couldn't get the sense out of it.
Sa dami ng gustong magsalita, minsan mahirap makinig. Lalo na kung sabay sabay. Ngunit kung may sasabihin ka, bakit ka tatahimk na lang? Hindi sapat ang ingay lang, alam nating hindi natatapos 'dun. Ngunit sa dami ng nagkkibit-balikat ang nagsasawalang-kibo na lamang, paano ka makakahikayat ng ibang tao kung hindi nila maririnig ang dapat nilang marinig hindi ba?
Ang ingay ng BUKLURAN, patuloy na naririnig sa Pamantasan. Patuloy na naririnig at lumalakas sa paglipas ng panahon upang gisingin ang mga natutulog pa. Ang mga nabubulag sa saya at kawalan ng pakialam sa nangyayari sa paligid niya - mga estudyante para sa kapwa estudyante.
We speak not because we need to say something, but because each of us has something to say. Hindi natin alam ang lahat, kaya patuloy tayong nagaaral. Kaya patuloy tayong nagdidiskusyon. Hindi tayo namimilit ng tao, hindi natin sinamantala ang kainosentehan nila. Nanghihikayat tayo upang maituwid ang maling nakasanayan na. Patuloy tayong NAG-IINGAY AT KUMIKILOS dahil tayo'y mga ESTUDYANTE at hindi estudyante lamang.
PADAYON kapwa ko BUKLURAN!

Saturday, July 18, 2009

ang mga palaka. bow. :p

Totoo nga!
kapag umuulan at bumabaha.
nagkalat ang mga palaka. haha. :D

Saturday, July 11, 2009

Be one.

The 2010 elections are coming (as if too much television commercials and project banners from everywhere can't tell) and while some people think that vying for Erap this coming elections will do our country a good part- for the reason that well, at least he comes from the opposition- here are 3 reasons why voting for Erap favors Gloria and her people.

1. Estrada would only add to the scores of oppositionists who declared and manifested their intent to run. This further divides the votes against the administration and an administration candidate winning means that no legal prosecution against Gloria even after her term will prosper.

2. If the law would eventually allow Erap to vie for the presidency again on the premise that he is not a “sitting president”, it means that Gloria can again run after another regime. And the cycle goes on. Imagine how laughable our nation will be.


3. Even if Estrada wins, what will stop the Arroyo-appointees- dominated Supreme Court from issuing a post-election decision nullifying his electoral victory? This will be very chaotic and will rationalize Gloria’s declaration of a martial law.


So there. I am hoping more people will care and actually realize that really, every vote counts. It doesn't matter if half the population doesnt even care anymore or think our country is hopeless. What matters is there are still a few people who believes in the power of their vote. Be one.

Tuesday, July 7, 2009

another chance.

They say everybody deserves one, to make things right and all the other reasons they could rant about. I say it's just the best excuse to commit a mistake.

If there's no take two, if all that we have is a single opportunity to live and love, we'd all make the best out of it.

I know, i know. We are human and mistakes are in our nature. But doing somehting intentional? isn't that just stupid? where's the logic in commiting a mistake in spite of knowing the consequences?

and at the end of the day, all you can do is say sorry and beg for a chance.

crap.

Tuesday, June 30, 2009

Bagsakan.:)


I got this from a friend from another blogsite.

press play!:)

The Real RULES:

1. Put your iTunes, Windows Media Player, etc. on shuffle.
2. For each question, press the next button to get your answer.
3. YOU MUST WRITE THAT SONG NAME DOWN NO MATTER HOW SILLY IT SOUNDS.
4. Tag 20 friends (make me #21 so I can see your results).
5. Everyone tagged has to do the same thing.
6. Have Fun!

IF SOMEONE SAYS 'ARE YOU OKAY' YOU SAY?** he didn't have to be- brad paisleyHOW

WOULD YOU DESCRIBE YOURSELF?** in her eyes- basshunter

WHAT DO YOU LIKE IN A GUY/GIRL?**make it with you- bread

HOW DO YOU FEEL TODAY?** everywhere-michelle branch (apparently i'm not, haha.)

WHAT IS YOUR LIFE'S PURPOSE?** maybe someday- parokya ni edgar (change the world ang dating. oha, give and give and give.)

WHAT'S YOUR MOTTO?** she's always a woman to me- billy joel (aww. :') )

WHAT DO YOUR FRIENDS THINK OF YOU?**sorry na- parokya ni edgar

WHAT DO YOUR PARENTS THINK OF YOU?**every little thing- MYMP (magician?)

WHAT DO YOU THINK ABOUT VERY OFTEN?**be my number two- christian bautista (kaloka. haha.)

WHAT IS 2 + 2?**halaga- parokya ni edgar

WHAT DO YOU THINK OF YOUR BEST FRIEND?**wag na lang- rocksteddy (haha. wag na lang daw eh.)

WHAT IS YOUR LIFE STORY?**superproxy-eraserheads (berigud. yoko na dito e. :( )

WHAT DO YOU WANT TO BE WHEN YOU GROW UP?**your song- parokya ni edgar

WHAT DO YOU THINK WHEN YOU SEE THE PERSON YOU LIKE?** pare ko-eraserheads (haha, tipong inuman ang dating sabay usapan sa lablayp.)

WHAT WILL YOU DANCE TO AT YOUR WEDDING?**alumni homecoming-parokya ni edgar (wee. partei!)

WHAT WILL THEY PLAY AT YOUR FUNERAL?**hinahanap hanap kita-rivermaya (aliw, sabay paramdam ka e no. :p)

WHAT IS YOUR HOBBY/INTEREST?**trip-parokya ni edgar (mantrip? haha.)

WHAT IS YOUR BIGGEST FEAR?**if-rivermaya (aww. living alone.)

WHAT IS YOUR BIGGEST SECRET?**liwanag sa dilim- rivermaya

WHAT DO YOU WANT RIGHT NOW?**nerbyoso-rivermaya

WHAT DO YOU THINK OF YOUR FRIENDS?**closer-neyo

WHAT WILL YOU POST THIS AS?**bagsakan- PNE,FrancisM,Gloc9


tapos na. hehe. :)

I am missing him. as always.

As random songs flood my ear, emotions that I have been keeping for quite a while came out pouring. It is hard to keep your sanity intact when people who think you are okay though you are actually on the verge of losing your mind surround you. Quite harder when you are stuck in a situation you did not want to get involved in from the start and hey, there is no one you can put the blame into since well, at the end of the day it was me who chose to go here.

They say life is better here. Because of the money, of the so-called good life they are all talking about. It just does not feel right to me. I would rather be home. I would rather stay there- with all the noise and politics, the never-ending fiestas, the traffic and pollution. I would rather be there, with the people I hold close to my heart and my life.

People think I am being crazy for thinking of going back. Life could not get any better, they say. Well, Paulo Coelho said your treasure lies where you heart is. My treasure is my country, my relatives in Cavite, my bebek. I just want to go home. Badly.

Saturday, May 30, 2009

a matter of perspective.


So we were talking, more like well, typing.

him: okay, tulog na tayo. mamaya chat tayo ulit.

me: you know how the word chat reminds me of the distance between us? (sheesh. cheesy, i know.)

him: yeah. but still, it keeps us connected.

and once again, he made me smile despite our set-up. He does it effortlessly.

It's always a matter of seeing things in a lighter perspective, he says.
I miss you. *tightest*

Wednesday, May 27, 2009

according to Ron..:)


Do you know that a group of crows are called murders?

That hamburgers are named hamburgers not because it has ham on it, but because it originated from Hamburg?

and did I mention about surviving from sinking in quicksands- which are, ironically named by the way because it actually slows you down-? well, studies say that lying on ur back and raising your leg slowly increases your chances of surviving when trapped in a quicksand.

well, my 8 year old cousin knows that, and much more.
ahem. beat that. :)


that's it.

i just thought of sharing what I just learned.hehe.

it's cool to know a thing or two each day isn't it?












Monday, May 25, 2009

Change.


Well, it's the only permanent thing in the world and i've never been a fan.


It always takes me a while before I attach myself to anything, or anyone, for that matter. A friend once told me I'm skeptic, always asking too many questions before indulging myself into an activity, a person or a group. Siguro nga. So when it's time to bid farewell to something or someone I am already attached with. Surprise, surprise, I freak out big time.


Sabi ko hindi ako magpopost ng kahit ano na may kinalaman sa pag-alis ko. I was pretty much convinced that avoiding the whole thing can pretty much lessesn the pain, and I was wrong. A week before I leave with the family, it's as if reality came sinking in too fast i could almost drown. nakakalula. nakakapraning. Here came the unending list of what-if's slapping me in the face big time. So the dreaded Big Day came. I'm sure you have a pretty good idea what happened. It has been 3 weeks and I don't feel like this is where I am supposed to be. I don't feel productive here, at all.

While my parents and siblings seem to adjust well-and fast, I am stuck in nowhere. I can't find a job, my little angel has flown (saying that in a matter-of-factly tone doesn't seem to take away all of the pain I am going through right now) and all I can think of is to find a way to head back home. I miss him, especially now.

I don't even know how to feel about being here. Some say i should be grateful because not everyone gets the chance but well, I don't really feel lucky to be here, not quite. Everything's just different. Masyadong tahimik. Kapag nakakita ka ng 6 tao sa isang kalsada, marami nang tao 'nun. It's also surprising and weird to see fellow Filipinos on the streets or in malls looking at me disgustingly, especially when they find out I just arrived. Ayaw yata nila nakakakita ng kapwa Pinoy, lalo na 'yung mga bagong dating.

It's also weird to hear Filipinos speak about how they want to live here and not come back to the Philippines anymore. mean, of course I've heard of them but hearing them firsthand is a totally different thing. I felt goosebumps, seriously. Wala na yatang gustong magpaiwan diyan sa Pilipinas. Nakakatawa lang. kung gano nila gustong tumira dito, ganun ko kagustong umuwi.

Haay. I want to go back there, badly. I miss being with him. I miss Tatay and Nanay and the whole family. I miss home. :'(