Ang bilis. ang bilis bilis.
Para akong tumatawid at masasagasaan ng hindi ko namamalayan. Ayan na. nabangga, tumilapon, humampas sa gutter pero gising pa din ako. Nakakamanhid sa sobrang sakit. Literal na walang maramdaman. Pakisampal ako. 'yung malakas na malakas. Malay mo, pagkatapos matanggap ko na.
Sabi sa medical dictionary ng merriam-webster.com, denial is "a psychological defense mechanism in which confrontation with a personal problem or with reality is avoided by denying the existence of a problem or reality." Tipong ayan na sa harap mo, ayaw mo pang tanggapin. E bakit ba? mahirap e. teka, hindi kita inaaway. kausap ko na naman ang sarili ko.
Ilang araw na rin. Sa totoo lang, hindi ko iniisip. Alam kong totoong nangyari at wala naman akong kontrol sa mga ganung bagay. Kung meron lang e, 'di sana wala kang binabasa ngayon. Alam ko din na kelangan ko rin tanggapin. Dahil aminin ko man o hindi, wala na e. Minsan na din ako nagpayo sa isang kaibigan, nanggaling na rin sa bibig ko lahat ng mga payong naririnig ko ngayon.
Pero.
Mas madaling magalit. Mas madaling kumilos na parang walang nangyari. 'di ba? Para kunwari joke lang. Yaan mo, yaan niyo, magiging okay din naman ako e. Wala lang pilitan. Si tatay 'yun e. T_T
No comments:
Post a Comment