People say they exist not to make noise but to make sense.
I say it is in the noise we make that WE MAKE SENSE.:)
Apparently, they categorize our voices as noise because well, they couldn't get the sense out of it.
Sa dami ng gustong magsalita, minsan mahirap makinig. Lalo na kung sabay sabay. Ngunit kung may sasabihin ka, bakit ka tatahimk na lang? Hindi sapat ang ingay lang, alam nating hindi natatapos 'dun. Ngunit sa dami ng nagkkibit-balikat ang nagsasawalang-kibo na lamang, paano ka makakahikayat ng ibang tao kung hindi nila maririnig ang dapat nilang marinig hindi ba?
Ang ingay ng BUKLURAN, patuloy na naririnig sa Pamantasan. Patuloy na naririnig at lumalakas sa paglipas ng panahon upang gisingin ang mga natutulog pa. Ang mga nabubulag sa saya at kawalan ng pakialam sa nangyayari sa paligid niya - mga estudyante para sa kapwa estudyante.
We speak not because we need to say something, but because each of us has something to say. Hindi natin alam ang lahat, kaya patuloy tayong nagaaral. Kaya patuloy tayong nagdidiskusyon. Hindi tayo namimilit ng tao, hindi natin sinamantala ang kainosentehan nila. Nanghihikayat tayo upang maituwid ang maling nakasanayan na. Patuloy tayong NAG-IINGAY AT KUMIKILOS dahil tayo'y mga ESTUDYANTE at hindi estudyante lamang.
PADAYON kapwa ko BUKLURAN!
No comments:
Post a Comment