Friday, September 4, 2009

Saan nga ba nagsisimula ang lahat?

Naiinis ako. Inis na inis. Alam mo kung bakit? teka lang ikkwento ko.
Kanina habang nagttrabaho ako, binisita ako ng isa sa mga suki ng coffee shop na pinagttrabahuhan ko. Matanda na siya, lalaki, mabait at palangiti. Pero hindi ko alam kung bakit sa ilang buwan kong pagttrabaho sa coffee shop na 'yun, kanina lang niya naitanong kung saang bansa ako galing. Pagkasabi kong Filipina ako, aba ang loko, minura ako habang nakangiti. 'Yung ngiti na sincere habang sinasabing "p*tang *na mo" na parang ingat na ingat pa siya. Kaya nagtaka ako at ipinaulit ko sa kanya. Hindi nga ako nagkamali ng rinig, minura nga niya ako.
****************
Customer: So you're from the Philippines
Ako: Yes, I am.
C: P*tang*na mo..(smile)
A: (blanko)
C: ... (smile pa din)
A: Did I hear you right?
C: Yeah, P*tang*na mo. That's what I said.
A: ...
C: Aren't you supposed to greet me back?
A: Greet? That wasn't even a greeting. That was..rude.
C: Oh, sorry. A Filipino taught me that. I didn't know.
A: That was...rude.
C: Sorry again.
A: (gulat pa din ako)
**********************
Hindi ko alam kung sinong mas napahiya saming dalawa pagkatapos ng conversation na 'yun. Hanggang ngayon habang naiisip ko nanggigil pa rin ako. Bakit naman sa lahat ng salitang Filipinong maiituturo sa kanya ng magaling na Pilipinong 'yun, yun pa ang ituturo sa kanya. Ang dami namang naiimbentong salita araw-araw, bakit hindi man lang 'yung maayos na salita ang ituro. Ang sarap palakpakan ng Pilipinong 'yun tapos babarilin sa Luneta. Oo, ganun ako kainis.
Kung sino man 'yung Pilipino na 'yun, kung akala mo nakaisa ka dahil may nabiktima ka at biro lang sayo 'yung ginawa mo, I have news for you. And I quote Jessica Zafra. "That was so funny I forgot to laugh."
Nga pala, p*tang*na mo din.

No comments:

Post a Comment