Wednesday, December 9, 2009

Everyone wants to be a public figure.


Pansin mo? Lahat gustong sumikat. Lahat gustong mapansin.
Nature na yata ng tao maging tsismoso, mamboso sa buhay ng may buhay at makialam sa mga problema ng kapitbahay.

Bakit nauso ang mga GM (group messages) sa text, ang mga blogs, ang twitter, ang mga heart-to-heart programs sa radyo, ang iba't ibang video streaming sites at social networking sites at syempre, ang mga nagkalat na reality shows sa telebisyon? Mula sa pinakamahahalagang balita hanggang sa mga pinakawalang-kwentang tsismis tipong kelangan i-broadcast sa mundo. Ikaw nga oh, nagbabasa nito. :D

At eto, hindi ba napaka-lame na excuse ang isigaw sa mundo na nagpapakatotoo ka lang kapag may kumekwestiyon sa mga kilos at sinasabi mo? Eh ibroadcast mo ba naman sa buong mundo, tapos hindi ka tatanggap ng opinyon ng ibang tao. Hindi ba pwedeng kung may opinyon ka, may opinyon din ang ibang tao? Wala namang nagsabing bawal kumontra 'di ba? Oh, kontra na, dali. :D

Siguro nga may mga tao talagang hilig ang magsulat at ibahagi 'yung mga sinusulat nila. Kung sabagay, marami din naman pwede matutunan sa ibang mga nababasa natin. Sa iba, hindi sa lahat. Sabi nga, Listen and read, but don't believe everything. Totoo nga naman, wala naman masama kung magbasa ka ng magbasa e.

Sa mundong ang daming pinapatay at nagugutom, hindi pa din naaawat ang mga tao sa pagttweet, pagbblog at pakikiusyoso sa buhay ng may buhay. Malaking kakulangan ba kapag hindi nalaman ng buong mundo ang ginagawa mo?

Oh, wala na. napansin ko lang naman. May narinig na naman kasi akong "public figure"  na nagsabing "I want to keep it private." Pwede ba, maglolokohan pa ba tayo? ang mga taong nagsasabi nang linyang yan, ang gusto talaga, mapag-usapan. Kasi kung hindi, hindi mo sila maririnig magsalita.

1 comment:

  1. Agree. ;-)

    *hoy. gusto mo pa ng writing skills ko? iyo na. hahaha. inaagiw lang sakin. LOL*

    ReplyDelete