Friday, September 25, 2009

Get well soon, Tatay. :'(

I miss you. and Nanay.
I miss your lambings. kapag nagpapabunot ka ng balbas mo o nagpapagupit ng kuko sa kamay at paa. When I was young that was your way of making me go to sleep in the afternoons of summer.

I fell in love with coffee because I was amazed of how you match it with almost everything you eat. You taught me how to eat with my hands and eat whatever I want because "kung mahal ka talaga ng boyfriend mo, kahit tumaba ka, mahal ka pa din niya. " What a man.

I remember your stories. Of how you cried while having dinner after Mama and Papa took me away from you after a year when I was just a baby. Yours and Nanay's were the first pairs of hands to nurture, cuddle with and take care of me.

You would always find a way to make me laugh, even when I refuse to. I've always felt I was the favorite apo because you and Nanay have your ways of making me feel I am.

I wish I can take care of you now. Kagaya 'nung pag-aalaga mo kapag may sakit ako. O kapag nasusugatan ako tapos gagamutin mo. sabay tatakutin mo ko na may lalabas na pari at jeep sa sugat ko. :')

Kelangan mo gumaling eh. Madami pa tayong pagkkwentuhan. You promised you'll walk me down the aisle remember? At sabi mo din tatakutin mo pa 'yung mapapangasawa ko. Stay strong Tatay.

I will see you soon. At pagagalitan mo pa ako dahil naging matigas na naman ang ulo ko. Okay lang, I'd have anything from you ang Nanay.

I love you Tatay and Nanay.:')
Please, wake up. T_T



















Tuesday, September 8, 2009

What killed the cat? hmm.

Was it really curiosity that killed the cat?
I wonder.

I bleed BLUE. :D

Kung may sasabihin ka at ito nama'y may katuturan,
Bakit ka mananahimik at sasabay sa agos na idinidikta ng mga nanamantala?

Friday, September 4, 2009

Saan nga ba nagsisimula ang lahat?

Naiinis ako. Inis na inis. Alam mo kung bakit? teka lang ikkwento ko.
Kanina habang nagttrabaho ako, binisita ako ng isa sa mga suki ng coffee shop na pinagttrabahuhan ko. Matanda na siya, lalaki, mabait at palangiti. Pero hindi ko alam kung bakit sa ilang buwan kong pagttrabaho sa coffee shop na 'yun, kanina lang niya naitanong kung saang bansa ako galing. Pagkasabi kong Filipina ako, aba ang loko, minura ako habang nakangiti. 'Yung ngiti na sincere habang sinasabing "p*tang *na mo" na parang ingat na ingat pa siya. Kaya nagtaka ako at ipinaulit ko sa kanya. Hindi nga ako nagkamali ng rinig, minura nga niya ako.
****************
Customer: So you're from the Philippines
Ako: Yes, I am.
C: P*tang*na mo..(smile)
A: (blanko)
C: ... (smile pa din)
A: Did I hear you right?
C: Yeah, P*tang*na mo. That's what I said.
A: ...
C: Aren't you supposed to greet me back?
A: Greet? That wasn't even a greeting. That was..rude.
C: Oh, sorry. A Filipino taught me that. I didn't know.
A: That was...rude.
C: Sorry again.
A: (gulat pa din ako)
**********************
Hindi ko alam kung sinong mas napahiya saming dalawa pagkatapos ng conversation na 'yun. Hanggang ngayon habang naiisip ko nanggigil pa rin ako. Bakit naman sa lahat ng salitang Filipinong maiituturo sa kanya ng magaling na Pilipinong 'yun, yun pa ang ituturo sa kanya. Ang dami namang naiimbentong salita araw-araw, bakit hindi man lang 'yung maayos na salita ang ituro. Ang sarap palakpakan ng Pilipinong 'yun tapos babarilin sa Luneta. Oo, ganun ako kainis.
Kung sino man 'yung Pilipino na 'yun, kung akala mo nakaisa ka dahil may nabiktima ka at biro lang sayo 'yung ginawa mo, I have news for you. And I quote Jessica Zafra. "That was so funny I forgot to laugh."
Nga pala, p*tang*na mo din.

The band says let it be.

Immaturity at its best...and the world stops.