Saturday, January 23, 2010

Minsan may isang puta. Isang kwento.

Minsan May Isang Puta...Isang Kwento.



Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako.
Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon.
Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang
kinabukasan ko.

Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh.
Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon.

Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako.
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya.
Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Coo. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.


Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.
Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. 'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako. Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat.

Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap. Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.


Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.  Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling n ga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.


Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi
ko na nga kilala sarili ko. Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sanamay magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako.

Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!" Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
PILIPINAS nga pala.



Monday, January 18, 2010

What every man should remember? here. :)


I didn't know if this is part of one of his songs or just something that he wrote or said-nevertheless sweet. aww. :)

Tuesday, January 12, 2010

Teen-ish. OMG. Die.


Im asking for guidance from the starsa. Is it just me or there's really something wrong with teeners these days. Not all of them- thank heavens for leaving some of the good ones. But most of them speak in a certain kind of accent that annoys me. Not one sentence would go without the words like, uhm, like, OMG and super. Im not that old, but really, how different it would be if they drop all the excesses that dont really make sense and talk properly, the way human beings are supposed to.

I have nothing against optimism and yes, a bit of it boosts our day but there is a big difference with screaming over a million in the lottery and three girls screamng and prattling over a bag sale. Did i mention overreacting?  How about annoying?

Okay. So I am reminded I was a teenager once and no matter what I say, there's no such thing as twenteen. haha. I've had my share of kabaduyan that well, sounds like a different posting, but I've always had great respect for the language and great belief in the power of words. Of course there came times of ribald and prate- and those were times not worth remembering, but Im lucky to have friends and people around me who are never abashed to embarass me every time. See, I told you I appreciate all of that. :)
 
It's not exactly the way they sound when they talk that concerns me. More than that, I am worried of what language have become and how it is being used today. Social networking sites, shortened terms instead of actual words, increasing number of people who doesnt know how to spell, too much excesses. Whatever happened to basic English proficiency units?
 
One of my friends posted that this year, one of her efforts would be to encourage other people to stop bludgeoning the language. Go Mina! haha. Isn't it about time we do something about it? Seriously.
 
So there. That was a major rant and you're probably tired of me whining about things. But I hope things won't with me just whining. Do you know a campaign or project relevant to my cause? Send me comment or a message. I'd be glad to help.
 
'AYT?
hahaha. Kidding, okay? :)

Monday, January 11, 2010

formspring.me

Ano pasalubong mo sakin? :p

snow sa garapon. hahaha.:) o kaya maple leaf?:p

Ask me anything

formspring.me

what would you ask me? :-P

what one thing about you is overrated and what's underrated?

Ask me anything

Monday, January 4, 2010

Feast of the left-overs.


Im alive!
Balik-blogger after the holidays. haha.
My laptop's system shut down, big thanks to the ever persistent virus popping out every freaking day.
All the mementos and important files were deleted yet again.
Empty. Nada. Nothng was saved.
*talking to self (no use being upset lhouie, okay?)*

SO its 2010! hurray!
The past year didn't go exactly as what I have planned, but there's so much more to be thankful for.
I think more than complaining for what is happening around us, the resolutions that people make year after year (and fail year after year), the losing-weight part after feasting on all the holiday food, what we are ought to do is to be thankful for being able to welcome yet another year.

Thank, Love and Live!
Let's all hope for a more positive outlook this year of the tiger.
Grrraaawwrr!:D

and oh, clean up our refrigerators after the left-over feasts for a clean start!:p